Lunes, Setyembre 6, 2010

AniNO ni Felipe B. Sullera Jr.


ANINO
Ni Felipe B. Sullera Jr.

Nagsimula ang kuwento sa isang malagim na tagpo sa Bundok Marik kung saan nagbabadyang pumutok ang bulkang Paltik. Sa nayon ng Tabas ay nakatira sina Atong, Cirio (ama ni Atong) at Narsing (ina ni Atong). Dahil sa nagbabadyang pumutok ang bulkan ang mga tao ay hindi magkamayaw sa paglikas sa kani-kanilang mga tahanan papuntang lungsod nang hindi sila masawi sa pagsabog ng bulkan ngunit sa kabaila ng lahat na ito ay Cirio ay pilit na pinakiusapan nila Atong ang ama na lumikas na sila ngunit mariing iginiit nito na mas mabuti pang mamatay siya kasama ang pagkawasak ng kanilang kabuhayan sa nayon kaysa matamasa nang lubos ang kahirapan at makitang naghihirap ang pamilya. Mangiyak na pinagtataboy ni Cirio ang asawa’t anak nito na palikasin na sa lugar at iwan na siya nito.
Walang nagawa ang dalawa kundi ang lumikas na hindi kasama ang ama. Malakas ang kabog ng dibdib ng mag-ina sa kagimbal-gimbal na pangyayari habang patuloy na nag-aalburoto ang bulkan. Hindi maipinta ang mukha ng dalawa sa sobrang kalungkutan lalo na’t iniwan nila si Cirio.
Mabilis ang paglalakad ng mag-ina nang sa hindi inaasahang pagkakataon ay pumutok ang bulkan sa sobrang pagmamadali ng dalawa ay may biglang tumama kay Narsing na isang mainit na bagay galing sa pumutok na bulkan na nagdulot ng kanyang pagkamatay. Parang pinunit ang puso ni Atong sa natuklasang malagim na pangyayari habang kumubli siya sa isang sulok ng bundok na malayo sa disgrasya parang humiwalay ang kanyang sarili sa mundo ng mga sandaling iyon habang nangyayanig ang lindol dulot ng malakas na pagsabog ng bulkan.
Natapos na ang kagimbal-gimbal na pangyayari at ang mga tao ay nagsibalik na sa nayon, mapapansin sa mga mukha ng bawat isa ang kalungkutan at mababasa sa kanilang mga mukha ang mga katanugan kung papaano nila maibabalik ang kabuhayang winasak ng isang napakalagim na trahedya.
Hindi malaman ni Atong ang patutunguhan habang siya ay naglalakad. Lumilipad ang kanyang isip ni hindi nito alintana ang mga taong kanyang nasasalubong. Sa ‘di kalayuan, nakita siya ni Matilde na kanyang matalik na kaibigan, napansin nito ang pangungulila sa mukha ng kaibigan. Nang magkasalubungan sila ay agad-agad nitong niyakap ang kaibigan at nag-iyakan. Ikinwento ni Atong ang kanyang sinapit at gayundin naman si Matildem, kapwa sila naulila sa kanilang mga magulang nang dahil sa isang trahedya. Si Matilde ay ulila na sa kanyang ama dahil sa sakit na tuberculosis at nang dahil sa pagputok ng bulkan sa kanilang nayon ay ulila na rin siya sa kanyang ina bunga pagkakahulog nito sa bangin.
Dahil walang matatakbuhang mga kamag-anak sa lungsod ay tiniis ng dalawang magkaibigan ang hirap ng buhay. Upang matustusan nila ang kanilang pangkain sa araw-araw ay nagpalimos sila sa daan kahit papaano’y sa ganoong paraan ay magkalaman ang kanilang mga sikmura sa gutom. Isang araw habang sila ang nagpalimos ay may nakakita sa kanilang isang madre, at dahil madungis ang dalawa lubos na alintana ng madre na ang mga ito ay kapwa naulila na sa buhay dulot ng kanilang kalagayan. Nilapitan sila ng madre at tinanong kung nasaan ang kani-kanilang mga magulang. Ipinaliwanag ng dalawa ang kanilang sinapit at nang malaman ito ng madre ay dinala ito sa bahay ampunan upang doon makapagsimula ng bagong buhay at pag-asa. Sa kanilang pananatili sa bahay ampuanan ay nakilala nila ang mga bata na kapareho nila ng mga edad at natutuhan nila ang mga bagay na hindi nila natutuhan sa kanilang nayon kagaya ng paggawa ng mga supot na may dekorasyon, mga gawaing bahay at ang pagdadasal. Nahubog ang buong pagkatao ng dalawang matalik na magkaibigan.
Isang araw habang naglalaro ang dalawang magkaibigan sa bakuran ng bahay-ampunan kinukutya si Atong ng iba nitong kasamahan dahil sa maitim na kulay ng balat mayroon si Atong at kulot na buhok nito. Agad namang sinaway ni Matilde ang pangungutya ng mga bata at inilayo si Atong sa mga ito. Lubos na nagdamdam si Atong nang dahil sa nangyari at mangiyak ito habang kinausap ni Matilde. “Salbahe ang mga batang iyon! Walang hiya sila dahil ba sa ganito ang kulay at hitsura ko ay kukutyain na nila ako ng sobre-sobra. Hmm! Makikita nila! Balang araw magbabago ang aking buong pagkatao titingnan ko kung makakakilala pa ba sila sa akin”, galit na apela ni Atong.
Nagdaan ang maraming taon at may umampon na rin kay Atong isang mayaman na pamilya ang umampon sa kanya at may pinamamahalaang malaking negosyo na kinanaririwasa ng kanilang buhay, ito ay sina Condrada at Tolime. Lubos na nagdamdam si Matilde sapagkat magkakawalay na sila ng kanyang matalik na kaibigan. Habang nasa piling na si Atong sa poder nila Condrada at Tolime ay nag-uugnayan sila ng kanyang matalik na kaibigan sa pamamagitan ng pagsusulatan dahil nga ang bahay ng kanyang mga bagong magulang ay malayo sa bahay-ampunan.
Sa poder ng mga bagong magulang ni Atong ay mas marami siyang natutuhang mga bagay sapagkat pinapaaral siya ng umampon sa kanya. Natutuhan ni Atong ang mga bagay na ni hindi niya nararanasang gawin sa kanilang nayon. Ang mga natutuhan ni Atong ay naging dahilan upang makalimutan nito ang kanyang pinanggalingang lahi, masyado siyang nasilaw sa mga makabagong bagay na kanyang natatamasa. Isang araw sa paaralan habang papauwi na si Atong ay pinag-uukray at pinagkukutya siya ng mga batang kanyang nakakatagpo hinggil sa kanyang hitsura. Labis ang pagkagalit ni Atong sa mga ito at dahil sa kanyang galit ay pinagmumura niya ang mga bata. Sa nangyaring kahihiyan ay nakatagpo niya si Mindy na nagsaway sa mga bata, naalala niya ang kanyang matalik na kaibigan na si Matilde na ganoo’t ganoon rin ang ginawa sa mga bata noong nasa bahay-ampunan pa siya, naging magkaibigan ang dalawa simula ng araw na iyon. Naalala rin niya na hindi na pala niya ito nasusulatan bunga nang pagkaabala nito sa kanyang bagong buhay na natamasa.
Isang umaga narinig niya ang pag-aaway nila Condrada at Tolime hinggil sa kanilang negosyo sapagkat ito raw ay palubog na bunga nang hindi napapamahalaan ng maayos ng kanyang asawa na si Condrado. Narinig din niya ang pagdadabog ni Tolime sa sofa kaya’t minabuti niyang hindi nalang muna lalabas ng silid. Nakatulog si Atong sa loob ng kanyang silid nang kanyang mapanaginipan ang kanyang ama na may hawak-hawak na manika at pawang iniabot ito sa kanyang umiiyak bumatikwas ng pagbangon si Atong sa kanyang napanaginipan at pinapawisan ang hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang nasa kanyang panaginip.
Kinaumagahan habang si Atong ay papunta sa paaralan ay nakasalubong niya si Mindy nagtatanong siya dito kung mayroon ba itong nalalamang trabahong mapapasukan. Nagtaka si Mindy kung bakit iyon naitanong ng kaibigan sapagkat ang mga kinilalang mga magulang nito ay kapwa mayaman. Ikinwento ni Atong ang lahat tungkol sa kanyang sinapit, ayaw rong maging pabigat ni Atong sa kanyang mga magulang kung kaya’t nais nitong magkaroon ng trabaho. Tinulungan naman si Atong ni Mindy sapagkat ang kanyang ina ay nagmamay-ari ng isang ahensiya na nagpapadala ng mga trabahnte sa Hongkong kaya’t minabuti nitong nirekomenda si Atong sa kanyang ina. Noong una ay nagdadalawang isip na tanggapin si Atong ng ina ni Mindy dahil nga sa hitsura nito ngunit sa kalaunan natanggap rin ito.
Isang araw nakatanggap ng liham si Atong mula sa kanyang matalik na kaibigan na nagsasabing siya ay inampon ng nagngangalang Marites at kasalukuyan siyang naninirahan sa Lungsod ng Marabiles. Nagtampo si Matilde kay Atong dahil hindi man lang nito sinagot ang ilan sa kanyang mga sulat. Nagsisisi rin si Atong sa kanyang ginawa ngunit para sa kanya hindi iyon ang tamang panahon upang humingi siya ng tawad sapagkat uunahin muna niya ang kanyang sariling pangarap ang pumunta ng Hongkong at magtrabaho at nang matupad ang isa sa kanyang mga pinapangarap ang baguhin ang anyo mayroon siya.
Nagpaalam si Atong kay Condrada at Tolime na huminto muna sa kanyang pag-aaral upang bumalik sa kanyang nayong pinanggalingan para hanapin daw umano ang kanyang nawawalang kapatid at makapiling ang kanilang tribo ngunit ito pala ay puro kasinungalingan lamang ang hindi alam nila Condrada at Tolime na hindi sa nayon punta ni Atong kundi sa Hongkong.
Kinagabihan, sa bahay ay handa na ang lahat ng mga papeles ni Atong at ang kanyang mga bagahe sa kanyang paglipad papuntang Hongkong at sabik na sabik na siya ng mga gabing iyon. Sa kanyang pagtulog napanaginipan na naman niya ang kanyang ama na may hawak-hawak na manika at ibinibigay ito sa kanyang umiiyak. Nagising si Atong at balisang-balisa kung bakit ganoo’t ganoon nalang ang kanyang napapanaginipan hindi niya lubos mawari kung ano ang nais ipahiwatig ng kanyang panaginip.
Sa pagsapit ng bukang-liwayway ay oras na nang pag-alis ni Atong, bumuhos ang matinding emosyon sa bahay sa kanyang pag-alis bunga nang napamahal na rin sina Condrada at Tolime sa kanya at ano’t ano pa man ay hindi siya itinuring na kakaiba nito ngunit alang-alang sa kagustuhan ni Atong na bumalik sa kanilang Nayon ay ayaw nilang ipagkait ito.
Habang nasa paliparan ay hindi mawaglit sa isipan ni Atong ang mga panaginip nito hinggil sa kanyang ama maraming mga katanungan na namumuo sa kanyang isipan ngunit sa pagkakaalam niya ay patay na ang kanyang ama siguro nagpapaalala lang ito upang hindi lubos malibing sa limot ngunit para sa kanya hindi naman niya ito nakalilimutan.
Nang lumapag na ang eroplano sa paliparan ng Hongkong ay anung saya ang naramdaman ni Atong naaamoy niya ang bagong pag-asa na matatamo niya sa kanyang buhay. Agad may sumundo sa kanyang panauhin mula sa isang ahensyang magtuturo sa kanya sa among kanyang pagsisilbihan. Hindi niya maintindihan ang kanyang emosyon may halong kaba at saya. Mayaman ang kanyang pagsisilbihan at kahihwalay lamang nito sa dating asawa ang pangalan ay si Chiu Lung na nagagalak din sa kanyang pagdating sapagkat gusto rin niyang makita ang mukha nito sa personal bunga ng larawang nasa datos nito.
Lumipas ang maraming panahon ng pamamasukan ni Atong ay nahulog ang damdamin ng amo nito sa kanya bunga mabuting pakikitungo nito at pagiging maalaga. Nagpakasal ang dalawa sa huwis sa Hongkong at dahil sa paghahangad ni Atong na mabago ang kanyang buong pagkatao ay humingi siya ng pabor sa kanyang asawa na magparetoke upang mas lalong magkaroon siya ng tiwala sa kanyang sarili at pumayag naman ito. Matapos magparetoke ay sobrang nasiyahan si Atong sa pagbabago sa kanyang katauhan ang dating maitim na kutis ay makinis na at malapursilana na at ang kanyang mukhang dating maraming taghiyawat ay maaliwalas na kung tingnan. Isang gabi mula sa pagkakahimbing ng tulog ni Atong ay muli na naman niyang napanaginipan ang kanyang ama at katulad pa rin ng dati ay mangiyak nitong iniaabot ang manika sa kanya bumangon si Atong at pumanaog sa salas. Sa iilang saglit ng kanyang pananatili doona ay biglang tumunog ang telepono at sa kanyang pagsagot ay muntik na siyang himatayin sa kanyang narinig na boses sa kabilang linya na nagbabalitang nasa kritikal na kondisyon ang kanyang asawa na si Chiu Lung bunga ng pagkakadesgrasya nito sa kotseng minamanihuan. Agad-agad nagtungo si Atong sa ospital na pinagdalahan ni Chiu Lung ngunit huli na ang lahat nang dumating siya doon sapagkat binawian ng buhay ang kanyang asawa. Lubos na lugmok si Atong sa sobrang kalungkutan ng mga gabing iyon bunga ng isang mabilis na pangyayaring gumulintang sa kanya, naalala niya tuloy ang pagkawala ng kanyang mga magulang noong pumutok ang bulkan.
Sa kanyang pangungulila ay gumawa siya ng liham sa kanyang matalik na kaibigan at ipinadala niya ito sa Marabeles ngunit dumaan nalang ang maraming linggo ay wala siyang natanggap na sulat mula kay Matilde kung kaya’t napagdisesyonan niyang umuwi sa Pilipinas.
Pagkarating niya sa Pilipinas ay sinurpresa niya si Matilde sa kanilang tahanan. Sobrang nagulat si Matilde kay Atong sapagkat ‘di siya makapaniwala na nakilala siya nito sapagkat kung tutuosin ay bago pa lang niya nakita ang babaeng ito sa Maribeles. Sobrang natawa si Atong sa reaksyon ng kanyang matalik na kaibigan kung kayat ipinakita niya sa kaibigan ang kanyang balat sa may batok. Magkahalong emosyon ang naramdaman ni Matilde kung kayat mangiyak itong nakipag-usap kay Atong sobra itong nagdamdam sapagkat ang buong akala nito ay nakalimutan na siya ng kanyang kaibigan. Sa kalagitnaan ng pag-uusap ng dalawa ay biglang nabanggit ni Matilde ang tungkol kay Cirio na ama ni Atong na ito pala ay buhay at nakita ito na palabuy-laboy nalang sa daan sapagkat nawalan ito ng bait. Napaiyak si Atong sa kanyang nabalitaan doon niya napagtanto kung bakit ganoon nalang ang parating nakikita niya sa kanyang panaginip hinggil sa kanyang ama sapagkat nais lang pala nitong ipahiwatig na buhay pa pala ito ngunit ang malaking katanungan na namuo sa kanyang isipan ay kung papaano siya makikilala ng kanyang ama kung siya ay may bago ng anyo sapagkat retokada na siya.
Nagmamadali ang magkaibigan na pinuntahan ang ama sa isang mental hospital na kinalalagyan ng kanyang ama at pagkarating nila doon nakita niya ang kanyang ama sa isang sulok na natutulog at wala na ito sa tamang pag-iisip at madungis na ang kinahihinatnan nito. Agad na niyakap ni Atong ang kanyang ama sa sobrang pananabik ngunit ang tanging sambit lang nito ay “Anino ka at sino ka?” Humagulgol nalang si Atong sa sinapit ng kanyang ama.
Lumipas ang maraming panahona ay nagsikap si Atong na magkaroon ng mabilisang pagpapagamot ang kanyang ama upang bumalik ito sa dating pag-iisip. Ibinuhos niya ang lahat ng kanyang panahon dito ngunit ganoon pa rin hindi na siya nakilala ng kanyang ama dahil nga sa kanyang retokadang hitsura ang tangi nalang niyang pag-asa ay maalala siya ng kanyang ama sa pamamagitan ng anino ng kanyang nakaraang lahi.

-WAKAS-

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento